Pages

Sunday, October 24, 2010

Blogs

Madalas akong magbasa ng Blogs nitong mga nakalipas na araw. Sa totoo lang, mas may dating sa akin yung personal blogs. Yun bang kahit random lang mga nilalagay nila pero nakakaaliw basahin kasi pakiramdam mo kinukwento lang sa 'yo. 




May mga nabisita din akong blogs about blogging at writing. Sa writing, karamihan sa kanila, mga aspiring writers, at nagbibigay sila ng best practices para mahasa ang talento mo sa pagsusulat. 


Panalo nga yung isang nabasa ko. Sabi nya, routine na nya na every other Wedensday, pipili sya ng isang salita kasama ang kahulugan, at gagawa sya ng flash novel. Nakuha nya atensyon ko dun. Nag-iisip na nga ako ng sarili kong best practices.


Maganda din yung isang blog na nakita ko. Nag post sya ng isang entry tungkol sa blogging at naging hayag sya sa pananaw nya na di sya bilib sa mga taong gumagawa ng blogs para lang makakuha ng mambabasa at sa huli ay pagkakakitaan lang. Yung iba daw kasi, nagkaroon lang ng malaking readership, naging expert na daw agad sa kung paano maging successful blogger. Hindi daw ba mas magandang basahin ng tao kung sino ka o siguro yung boses mo at hindi kung paano ipaalam sa mga tao kung papaanong hindi sila successful sa pagba-blog nila. Hmm...


Para sa akin, wala namang kaso yung mga ganun. Personal at How-to's na blogs, binabasa ko pareho. May natututunan kasi ako. Iba't-ibang boses. May nakakaantig, nakakaaliw at nakakapag banat ng utak mo. Ayos ang mga to para sa akin. 


Ang blog ko, hindi tungkol sa mga insekto, mountain climbing, pangongolekta ng stamps at lalong hindi tungkol sa fashion. Tungkol lang ito siguro sa mga saloobin ko sa mga iba't ibang bagay. Mga kwento tungkol sa mga nakikita, naririnig at nababasa ko. Kwento din tungkol sa mga naranasan ko at kasalukuyang pinagdadaanan ko.


Personal, kumbaga.



No comments:

Post a Comment