Pages

Sunday, October 24, 2010

Blogs

Madalas akong magbasa ng Blogs nitong mga nakalipas na araw. Sa totoo lang, mas may dating sa akin yung personal blogs. Yun bang kahit random lang mga nilalagay nila pero nakakaaliw basahin kasi pakiramdam mo kinukwento lang sa 'yo. 




May mga nabisita din akong blogs about blogging at writing. Sa writing, karamihan sa kanila, mga aspiring writers, at nagbibigay sila ng best practices para mahasa ang talento mo sa pagsusulat. 


Panalo nga yung isang nabasa ko. Sabi nya, routine na nya na every other Wedensday, pipili sya ng isang salita kasama ang kahulugan, at gagawa sya ng flash novel. Nakuha nya atensyon ko dun. Nag-iisip na nga ako ng sarili kong best practices.


Maganda din yung isang blog na nakita ko. Nag post sya ng isang entry tungkol sa blogging at naging hayag sya sa pananaw nya na di sya bilib sa mga taong gumagawa ng blogs para lang makakuha ng mambabasa at sa huli ay pagkakakitaan lang. Yung iba daw kasi, nagkaroon lang ng malaking readership, naging expert na daw agad sa kung paano maging successful blogger. Hindi daw ba mas magandang basahin ng tao kung sino ka o siguro yung boses mo at hindi kung paano ipaalam sa mga tao kung papaanong hindi sila successful sa pagba-blog nila. Hmm...


Para sa akin, wala namang kaso yung mga ganun. Personal at How-to's na blogs, binabasa ko pareho. May natututunan kasi ako. Iba't-ibang boses. May nakakaantig, nakakaaliw at nakakapag banat ng utak mo. Ayos ang mga to para sa akin. 


Ang blog ko, hindi tungkol sa mga insekto, mountain climbing, pangongolekta ng stamps at lalong hindi tungkol sa fashion. Tungkol lang ito siguro sa mga saloobin ko sa mga iba't ibang bagay. Mga kwento tungkol sa mga nakikita, naririnig at nababasa ko. Kwento din tungkol sa mga naranasan ko at kasalukuyang pinagdadaanan ko.


Personal, kumbaga.



Saturday, October 16, 2010

Hapi Bday!

                     Maligayang kaarawan sa akin!

Thursday, October 14, 2010

Rescue Operation

Nabasa ko yung rescue operation sa mga miners sa Chile. Ang galing! Nailigtas nila yung 33 miners na na-trap underground. Hindi ko nasundan yung buong proseso ng pag-rescue pero ramdam ko yung kaluwagan sa loob lalo na ng mga pamilya ng mga minero na makita muli ang mahal nila sa buhay matapos ang 69 days.




Malaking boost ang nangyari para sa mamamayan ng Chile. Napanood ko yung talumpati ng Presidente nila at makikita mo talaga yung tuwa sa mukha nya. Makasaysayan ang ginawa nila at isang bagay na di basta-basta malilimutan. 


Naisip ko tuloy bigla yung hostage-taking na nangyari dito nito lang. Nakakalungkot lang isipin na na-expose ang pulisya sa kalidad na meron sila lalo na sa mga ganung pagkakataon at kung paano na rin pinapalakad ang buong pulisya. 


Gayunpaman, magandang balita itong nangyari sa Chile. Very heroic ika nga nila.

Wednesday, October 13, 2010

We're Lions!

Magka-chat kami ng friend ko kanina. Kwentuhan tungkol sa kung anu-ano. Pinost nya to sa wall ko sa Facebook..

 ASTIG!!!


Sa mga usapan namin, lalo na pag nagiging emo na ako, ito ang reminder lagi, WE'RE LIONS BRO! Sabay meow...


Tuesday, October 12, 2010

Junkfoods

Kumain ako kanina ng Nutristar. Hilig ko tong kainin nung nasa elem pa lang ako. Kasabay ng isang malamig na softrdrinks, panalong panalo. Palakain ako ng mga tsitsirya. Talagang nakalakihan ko na. Ako kasi yung tao na dapat laging may nginangata. Ganun ba ako katakaw?

Bumibili din ako lagi ng mga mamiso tulad ng dingdong, cloverbits, chiquito at iba pang di ko na maalala pangalan.  Minsan pasampu-sampo ang binibili ko kasama ang 800ml na Pop. Yum Yum!


Gusto ko din yung Snacku. Di lang dahil mura sya pero ayos din naman kasi. Clover, Oishi, Nova, V-cut, Boybawang, Cornbits, Cheesering..o sige, Peewee na rin. 


Sa sobrang dami ng mga nakain ko na, na-mental block na ako.

Monday, October 11, 2010

Kati atbp


May mas nakakainis pa ba sa kating nararamdaman mo na di mo malaman kung saan nanggagaling? Yung tipong kamot ka na ng kamot pero di mo pa rin matumbok? Halos magsugat na yung balat mo sa braso mo pero sa bandang huli, nasa bandang ilong mo pala yung makati. Di ko alam kung paano nangyari yun pero nakakainis talaga yun. 

--------
Sumakay ako ng bus pauwi galing sa Church Service. Pagpasok ko sa bus, nakita ko si Hazel, classmate ko nung hayskul, na naidlip. Gugulatin ko sana pero baka kako biglang humiyaw, eh magka iskandalo pa. Hinawakan ko na lang braso nya at nagising sya. Pero palagay ko naalimpungatan sya kasi habang naguusap kami parang nalilito sya sa mga sinasabi nya.

Piwi: Umattend ako ng service
Hazel: Ah so dito ka sumakay?
Piwi: Oo.Di ba nga galing ako ng Church?
Hazel: Oo pero ba't dito ka...
Piwi: O hayan ang megamall oh..
Hazel: Ay! Akala ko asa North na tayo...

Kwentuhan kami. Maya-maya pa, dumami na yung sakay. Nakuha yung atensyon ko nung dalawang magkatabi sa bandang kaliwa ko, yung tatluhan ang sakay. Tumabi yung isang lalaki na mukhang nakainom sa babaeng medyo mataba. Umupo yung lalaki sabay tulog.

Kwentuhan pa rin kami. Di ko maiwasang malingon sa kanila kasi kitang kita ko yung pagka bwisit nung babae, napapatingin nga rin sya sa akin. Di na lang ako kumikibo.

Ilang sandali pa, dumating na yung kundoktor para kumuha ng pamasahe. Di na rin nakatiis yung babae at parang nagsumbong sa kundoktor. Nasasandalan na kasi yung babae. Maya-maya, narining na lang namin yung babae na inaaway yung lalaki.Di ko na maalala yung mga pinagsasabi pero nakakatawang tingnan. Tumayo na lang yung lalaki. 

Di pa rin tumigil si babae. Panay pa rin ang dakdak at sinabing ire-report nya sa pulis yung lalaki. Sabay kaming bumaba nung lalaki at pambihira, sinundan nung babae kasi nga daw ipapablater nya yung lalaki! Naglalakad na ako pauwi at medyo malayo na pero dinig ko pa rin yung boses nung babae. Ewan ko na lang kung ano nangyari sa kanila. Tsk.

 -----------------


Balik tayo sa kati. Hindi ba ang sarap sa pakiramdam kapag nahanap mo na kung saan? Talagang kakamutin mo sya ng todo hanggang sa alam mong wala na yung kati.

Naisip ko lang. Hindi dahil sa may makati sa katawan ko. Mayroon kasi akong di matumbok sa sarili ko. Akala ko eto, pero di pala. Isa pang eto, di rin pala. Nandun ako ngayon, yung hinahanap ko kung saan. Kapag nahanap ko sya,di ko papakawalan yun. Kakamutin ko ng todo hanggang sa alam kong wala na at di na ako muling gagambalain pa. Sarap lang.



Sunday, October 10, 2010

Blogsite

Tumitingin ako ng mga blogsites kanina at napunta ako sa blogsite tungkol sa angkan ng awtor. Aspiring genealogist daw sya. Tiningnan ko yung ilang  mga pinost nya at nakakabilib nga. Bigla tuloy akong mas naganahan sa Milkyway project ko. Pansin ko na talagang pinagpawisan nya yung mga nakolekta nyang mga litrato at datos kaya iniisip ko tuloy, di kaya abutin ako ng matagal na panahon bago ko matapos ang proyekto ko? Di ko naman kasi kayang gawin yun ng full-time pero interesado talaga ako na magawa to.

Hindi ako techy na tao kaya di ko maintindihan kung bakit may error na lumalabas sa tuwing ina-upload ko yung template na gusto kong ilagay sa blog ko. Wala naman kasi akong alam sa mga Zip-zip na yan. Wala naman akong maisipan na pwedeng pagtanungan. Naghanap ako ng mga instructional sites at sinunod ko naman yung mga hakbang kung paano pero ilang beses na, panay error pa rin. Kainis!

Ang galing ng isang blogsite na nakita ko. Teenager ang may-ari. Sya din ang nagme-maintain. Hanga ako sa design. Gusto ko ding matutunan kung paano gumawa ng sariling website para sariling kong timpla ang mga mailalagay ko.

Napansin ko na yung iba [dot] com ang domain. Di tulad ng gamit ko na blogspot.com. Pero yung iba powered by blogger pa din. Upgrade ata ang tawag dun. Siguro, sa opsyon na yun mas may laya ka na gumawa ng sarili mong disenyo sa site mo. Pero ang nagpapakunot noo lang sa akin eh may nakita akong site (blogpsot.com) na may sariling header design. Yung sa akin kasi, default lang ata tong design ng blogger. Gusto ko kasi talaga magkaroon ng personal touch ang site ko. Hmmm.

Sa susunod na taon balak ko na magkaroon na ng sariling website, para mas masaya! Matagal ng naglalaro sa isip ko to. Kailangan ko lang muna magtanung tanong sa mga kakilala kong may kaalam tungkol dito para di ako gaano mahirapan. 

May nakita akong site na nagbibigay ng libreng webpage header. Clinick ko yung isang picture. May instruction: right-click and save as... oh tapos anu na susunod??? Grrrr!

Wala pa talaga akong kaalam alam sa mga mas-techy na isyu na yan. Kaya magbo-blog na lang muna ako ng magba-blog hanggang sa makakuha ako ng ideya kung paano ko mas mapapaayos ang site ko.

Saturday, October 9, 2010

Project: Milkyway

Pinakita sa kin kanina ni Mama yung tinag sa kanya ng pinsan nya sa Facebook. Pedigree chart pala yun ng angkan namin. Ang nakakabilib dun, na-trace nya hanggang sa huling parte ng 1700's daw. Astig di ba!

Mahilig ako sa Kasaysayan. Hilig ko yun nung hayskul. Natural sa kin yung magkabisa ng mga petsa at pangyayari. Basta nakakakiliti sa isipan, inaalam ko agad. Naiisip ko na rin dati pa yung mga ninuno ng pamilya ko. Minsan nga, tinanong ko si Lolo tungkol sa lolo nya. Ang sabi nya naging sakristan ata yun nung panahon ng kastila.

Masayang alamin ang mga ganitong bagay. Mas madali siguro ngayon kasi may hi-tech na ang panahon. Biruin mo, kahit mga lolo't lola may facebook na rin. Maganda nga at sa facebook ko nakilala mga pinsan ko sa tatay ko nito lang taon.

Sa side ng tatay ko, mas madaling malaman kasi nakaakbay ang angkan namin sa kasaysayan ng Pilipinas, ang mga Laurel. Laurel-Dimayuga ang angkan namin. Ang nanay ng lola ko ang bunsong kapatid na babae ni Jose P. Laurel. Pinsang buo ni Mama Lu si Doy Laurel. Ang aking super lolo na si Sotero Laurel, naging miyembro sya ng Malolos Congress at isa sa mga pumirma ng 1898 Constitution. Galing pala nila.

Ka-chat ko kanina lang yung isang pinsan ko at nakwento ko nga sa kanya ito. Nasabi ko nga  na gusto kong gawin yun sa angkan namin. Para kasing kakaiba pag nagawa ko yun. Yung talagang aalamin ko yung mga ninuno at mga kalapit na kamag-anak namin. Kailangan kong pagplanuhan itong gagawin ko. Sa palagay ko naman mas magiging madali kasi kilala naman ang mga kamag-anakan ko sa tatay ko. Ayos to.

Gusto kong bigyan ng code name ang proyekto ko na to. PROJECT: MILKYWAY

Inedit: Naisipan ko ding ilagay dito yung chart na pinakita sa kin ni Mama