Pages

Monday, October 11, 2010

Kati atbp


May mas nakakainis pa ba sa kating nararamdaman mo na di mo malaman kung saan nanggagaling? Yung tipong kamot ka na ng kamot pero di mo pa rin matumbok? Halos magsugat na yung balat mo sa braso mo pero sa bandang huli, nasa bandang ilong mo pala yung makati. Di ko alam kung paano nangyari yun pero nakakainis talaga yun. 

--------
Sumakay ako ng bus pauwi galing sa Church Service. Pagpasok ko sa bus, nakita ko si Hazel, classmate ko nung hayskul, na naidlip. Gugulatin ko sana pero baka kako biglang humiyaw, eh magka iskandalo pa. Hinawakan ko na lang braso nya at nagising sya. Pero palagay ko naalimpungatan sya kasi habang naguusap kami parang nalilito sya sa mga sinasabi nya.

Piwi: Umattend ako ng service
Hazel: Ah so dito ka sumakay?
Piwi: Oo.Di ba nga galing ako ng Church?
Hazel: Oo pero ba't dito ka...
Piwi: O hayan ang megamall oh..
Hazel: Ay! Akala ko asa North na tayo...

Kwentuhan kami. Maya-maya pa, dumami na yung sakay. Nakuha yung atensyon ko nung dalawang magkatabi sa bandang kaliwa ko, yung tatluhan ang sakay. Tumabi yung isang lalaki na mukhang nakainom sa babaeng medyo mataba. Umupo yung lalaki sabay tulog.

Kwentuhan pa rin kami. Di ko maiwasang malingon sa kanila kasi kitang kita ko yung pagka bwisit nung babae, napapatingin nga rin sya sa akin. Di na lang ako kumikibo.

Ilang sandali pa, dumating na yung kundoktor para kumuha ng pamasahe. Di na rin nakatiis yung babae at parang nagsumbong sa kundoktor. Nasasandalan na kasi yung babae. Maya-maya, narining na lang namin yung babae na inaaway yung lalaki.Di ko na maalala yung mga pinagsasabi pero nakakatawang tingnan. Tumayo na lang yung lalaki. 

Di pa rin tumigil si babae. Panay pa rin ang dakdak at sinabing ire-report nya sa pulis yung lalaki. Sabay kaming bumaba nung lalaki at pambihira, sinundan nung babae kasi nga daw ipapablater nya yung lalaki! Naglalakad na ako pauwi at medyo malayo na pero dinig ko pa rin yung boses nung babae. Ewan ko na lang kung ano nangyari sa kanila. Tsk.

 -----------------


Balik tayo sa kati. Hindi ba ang sarap sa pakiramdam kapag nahanap mo na kung saan? Talagang kakamutin mo sya ng todo hanggang sa alam mong wala na yung kati.

Naisip ko lang. Hindi dahil sa may makati sa katawan ko. Mayroon kasi akong di matumbok sa sarili ko. Akala ko eto, pero di pala. Isa pang eto, di rin pala. Nandun ako ngayon, yung hinahanap ko kung saan. Kapag nahanap ko sya,di ko papakawalan yun. Kakamutin ko ng todo hanggang sa alam kong wala na at di na ako muling gagambalain pa. Sarap lang.



No comments:

Post a Comment