Pinakita sa kin kanina ni Mama yung tinag sa kanya ng pinsan nya sa Facebook. Pedigree chart pala yun ng angkan namin. Ang nakakabilib dun, na-trace nya hanggang sa huling parte ng 1700's daw. Astig di ba!
Mahilig ako sa Kasaysayan. Hilig ko yun nung hayskul. Natural sa kin yung magkabisa ng mga petsa at pangyayari. Basta nakakakiliti sa isipan, inaalam ko agad. Naiisip ko na rin dati pa yung mga ninuno ng pamilya ko. Minsan nga, tinanong ko si Lolo tungkol sa lolo nya. Ang sabi nya naging sakristan ata yun nung panahon ng kastila.
Masayang alamin ang mga ganitong bagay. Mas madali siguro ngayon kasi may hi-tech na ang panahon. Biruin mo, kahit mga lolo't lola may facebook na rin. Maganda nga at sa facebook ko nakilala mga pinsan ko sa tatay ko nito lang taon.
Sa side ng tatay ko, mas madaling malaman kasi nakaakbay ang angkan namin sa kasaysayan ng Pilipinas, ang mga Laurel. Laurel-Dimayuga ang angkan namin. Ang nanay ng lola ko ang bunsong kapatid na babae ni Jose P. Laurel. Pinsang buo ni Mama Lu si Doy Laurel. Ang aking super lolo na si Sotero Laurel, naging miyembro sya ng Malolos Congress at isa sa mga pumirma ng 1898 Constitution. Galing pala nila.
Ka-chat ko kanina lang yung isang pinsan ko at nakwento ko nga sa kanya ito. Nasabi ko nga na gusto kong gawin yun sa angkan namin. Para kasing kakaiba pag nagawa ko yun. Yung talagang aalamin ko yung mga ninuno at mga kalapit na kamag-anak namin. Kailangan kong pagplanuhan itong gagawin ko. Sa palagay ko naman mas magiging madali kasi kilala naman ang mga kamag-anakan ko sa tatay ko. Ayos to.
Gusto kong bigyan ng code name ang proyekto ko na to. PROJECT: MILKYWAY
Inedit: Naisipan ko ding ilagay dito yung chart na pinakita sa kin ni Mama
No comments:
Post a Comment