Tumitingin ako ng mga blogsites kanina at napunta ako sa blogsite tungkol sa angkan ng awtor. Aspiring genealogist daw sya. Tiningnan ko yung ilang mga pinost nya at nakakabilib nga. Bigla tuloy akong mas naganahan sa Milkyway project ko. Pansin ko na talagang pinagpawisan nya yung mga nakolekta nyang mga litrato at datos kaya iniisip ko tuloy, di kaya abutin ako ng matagal na panahon bago ko matapos ang proyekto ko? Di ko naman kasi kayang gawin yun ng full-time pero interesado talaga ako na magawa to.
Hindi ako techy na tao kaya di ko maintindihan kung bakit may error na lumalabas sa tuwing ina-upload ko yung template na gusto kong ilagay sa blog ko. Wala naman kasi akong alam sa mga Zip-zip na yan. Wala naman akong maisipan na pwedeng pagtanungan. Naghanap ako ng mga instructional sites at sinunod ko naman yung mga hakbang kung paano pero ilang beses na, panay error pa rin. Kainis!
Ang galing ng isang blogsite na nakita ko. Teenager ang may-ari. Sya din ang nagme-maintain. Hanga ako sa design. Gusto ko ding matutunan kung paano gumawa ng sariling website para sariling kong timpla ang mga mailalagay ko.
Napansin ko na yung iba [dot] com ang domain. Di tulad ng gamit ko na blogspot.com. Pero yung iba powered by blogger pa din. Upgrade ata ang tawag dun. Siguro, sa opsyon na yun mas may laya ka na gumawa ng sarili mong disenyo sa site mo. Pero ang nagpapakunot noo lang sa akin eh may nakita akong site (blogpsot.com) na may sariling header design. Yung sa akin kasi, default lang ata tong design ng blogger. Gusto ko kasi talaga magkaroon ng personal touch ang site ko. Hmmm.
Sa susunod na taon balak ko na magkaroon na ng sariling website, para mas masaya! Matagal ng naglalaro sa isip ko to. Kailangan ko lang muna magtanung tanong sa mga kakilala kong may kaalam tungkol dito para di ako gaano mahirapan.
May nakita akong site na nagbibigay ng libreng webpage header. Clinick ko yung isang picture. May instruction: right-click and save as... oh tapos anu na susunod??? Grrrr!
Wala pa talaga akong kaalam alam sa mga mas-techy na isyu na yan. Kaya magbo-blog na lang muna ako ng magba-blog hanggang sa makakuha ako ng ideya kung paano ko mas mapapaayos ang site ko.
No comments:
Post a Comment