Pages

Tuesday, March 22, 2011

i cant blog!

Nakakinis yung isang blogsite ko. Di ko malaman kung ano ang problema. Ipo-post ko na tapos biglang binigyan ako ng error message. may link na lumabas kung saan mo pwedeng i-report yung problema kaso hanggang ngayon wala namang nangyayari. Asar.


Akala ko baka lang kako yung blog ko lang may topak kaya sabi ko, gagawa na lang ulit ako ng bago. Gumawa ako ng bago, at tadan...! ganun pa din.

Nagbasa ako ng article tungkol doon sa support page nila. Baka daw browser ang may problema. Gamit ko kasi Firefox, kaya sinubukang ko yung Chrome. Ayun, ganun pa din.

Ang susunod ko daw na gawin eh yung subukan sa ibang computer. Pag gumana, yung computer setting ko ang may problem. Pag di pa rin daw gumana, subukan ko daw sa ibang ISP. Dun na nila tinapos. Mukang ayaw nilang ipaabot sa puntong sila ang may problema.

No comments:

Post a Comment